Unang pasyente ng Delta variant sa Nueva Vizcaya, gumaling na — DOH

Sinabi ni Dr. Edwin Galapon, provincial health officer (PHO) ng Nueva Vizcaya na Hulyo 20 pa nang ideklarang nakarekober ang pasyente sa bayan ng Solano matapos ang 18-araw na strict quarantine.
AFP/Arun Sankar

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — “Clinically recovered” na ang isang lalaki na kauna-una­hang kaso ng COVID-19 Delta variant sa buong Cagayan Valley, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Sinabi ni Dr. Edwin Galapon, provincial health officer (PHO) ng Nueva Vizcaya na Hulyo 20 pa nang ideklarang nakarekober ang pasyente sa bayan ng Solano matapos ang 18-araw na strict quarantine.

Ayon kay Galapon, ang nagpositibo sa Delta variant ay isang overseas Filipino worker (OFW) na dumating sa bansa noong Hunyo 15 mula sa Dubai at agad na sumailalim sa quarantine sa Holiday Inn sa Manila hanggang Hunyo 30 kung saan nagnegatibo naman ang kanyang RT-PCR test.

Dahil dito, pinayagang umuwi ang OFW sa Solano noong Hulyo 2 at nag-quarantine. Gayun­man, muli siyang isinailalim sa swab test noong Hulyo 8 at lumabas ang resulta noong Hulyo 9 na positibo siya sa COVID-19. 

Subalit, makalipas ang halos isang buwan, inireport noong Agosto 5 kay Galapon na nagpositibo sa Delta virus ang OFW, batay sa resulta ng kanyang genome sequencing na pinadala sa Manila.

Show comments