Cyber libel vs local radio station manager ibinasura
OLONGAPO CITY, Philippines — Ibinasura ng Prosecutor’s Office ang kasong cyber libel na inihain ng isang dayuhan laban sa isang local radio station manager sa lungsod na ito.
Ang 5-pahinang resolusyon na nagbabasura sa kaso ay nilagdaan nina Detailed Associate City Prosecutor Francis Victor B. Soriao na inaprubahan at nilagdaan din ni City Prosecutor Emelie Fe M. Delos Santos na may petsang July 12, 2021 matapos mabigong patunayan ng complainant na dayuhan na ang isinulat na news article ni Jojo Perez, manager ng Radyo Bandera 107.1 FM Olongapo ay “malicious at defamatory”.
Nag-ugat ang kaso nang magpalabas ng press release ang Police Station 5 ng Olongapo na may pamagat na “Foreign suspect arrested by the Police Station 5 for Disobedience to a person in authority noong May 21, 2020 na isinalin naman sa Tagalog at iniulat ang balita ni Perez gamit ang Facebook page ng Radyo Bandera 107. 1 FM Radio Station.
Depensa ni Perez, ang nasabing balita ay ginabayan ng tamang panuntunan sa pagsusulat at inilathala ito gamit ang Radyo Bandera Facebook page nang walang malisyosong intensyon laban sa dayuhan.
Nagpasalamat naman si Perez sa kanilang mga legal counsel sa pangunguna nina Atty. Juanito “Johnny” Atienza, Atty. Noel Atienza at Atty. Francis Esguerra Miranda sa pagkaka-dismiss ng kanyang kaso.
- Latest