NORTH COTABATO, Philippines — Nalubog sa baha ang 26 barangay sa bayan ng Pikit sa lalawigang ito, mag-iisang linggo na.
Ayon kay Pikit Municipal Disaster Risk Reduction Manager Head Tahira Kalantungan na may mga apektadong barangay ay nasa gilid lang ng Liguasan Marsh at Rio Grande de Mindanao.
Maging si Kalantungan ay nasorpresa matapos pinasok na rin ng tubig-baha ang mga Barangay ng Inug-og at ilang parte ng Barangay Poblacion.
Paliwanag niya na bumabalik kasi sa kanila ang tubig na mula sa Ligwasan na mula sa Matalam, M’lang at Tulunan dahil sa mga nakabarang water hyacinth.
Kung magtutuloy ang pag-ulan ay lalo pang aapaw ang tubig sa dalawang ilog ay posibleng ang buong barangay Poblacion na ang malubog sa tubig-baha.
Isinisi naman ng isang residente ng Barangay Poblacion na si alyas May-May ang mga tinambak na lupa para pagtayuan ng mga negosyo ang dahilan para wala ng daluyan ang tubig at sila ngayon ang nalubog sa tubig-baha.
Kinakailangan pang i-akyat nila ang kanilang mga gamit para lang hindi mabasa ng tubig at apektado rin ang kanilang maiinom na tubig dahil nilubog ng baha ang poso na pinagkukunan nila.