MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Aprubado na sa House Committees on Public Works and Highways and on Appropriations ang panukalang konstruksyon ng City of San Jose Del Monte Bypass Road, dito sa lalawigan.
Sa ilalim ng House Bill 9579, inaasahan na ito ay magkokonekta sa lahat ng pangunahing lansangan sa loob at labas ng probinsiya ng Bulacan at nakatakdang maisaayos at makumpleto sa isasagawang konstruksyon.
Maging ang mga kakailanganing pondo para rito ay magiging kasama o maisasaad sa General Appropriations Act (GAA).
“With the ongoing construction of the MRT 7 and one of its stations to be built in San Jose del Monte together with the depot and an intermodal transport terminal, traffic congestion will likely be a problem,” ayon kay SDJM Rep. Florida Robes.
Bunsod nito, ipinabatid ni Robes, ang may-akda ng nasabing panukala na inaasahan ang imprastrakturang ito na mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko na bunsod rin ng iba pang konstruksiyon ng establisimyento sa lungsod.