Mister niratrat ng tandem, utas

1 pa sugatan sa ligaw na bala

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang patay nang paulanan ng bala ng dalawang ‘di kilalang suspek habang nakatayo sa labas ng kanilang tahanan sa Tanay, Rizal ­kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Tanay General Hospital ang biktimang si Francisco Chang, nasa hustong gulang, at residente ng Jimenez Compound, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ginagamot naman sa Rizal Provincial Hospital System sa Morong ang bystander na si Roberto Caparas matapos tamaan ng ligaw na bala sa balikat.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police, dakong alas-7:00 ng gabi habang nakatayo lamang si Chang sa harapan ng kanilang tahanan nang biglang dumating ang mga salarin at kaagad siyang pinaputukan, gamit ang ‘di pa batid na kalibre ng baril saka sila tumakas.

Nagkataon namang nasa lugar din si Caparas kaya’t tinamaan ng ligaw na bala.

Show comments