MANILA, Philippines — Inilagay ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases sa enhanced community quarantine (ECQ) ang probinsya ng Iloilo at mga siyudad ng Iloilo, Gingoog at Cagayan de Oro (CDO) upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ang ECQ ang pinakamahigpit sa hanay ng mga ipinatutupad na community quarantine kung saan limitado ang galaw ng mga tao.
Iiral ang ECQ sa mga nabanggit na lugar hanggang Hulyo 31, 2021.
Inilagay naman sa general community quarantine (GCQ) na may “heightened restrictions” ang Misamis Oriental at Antique.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabago sa klasipikasyon ng mga nabanggit na lugar ay base sa rekomendasyon ng Department of Health at technical advisory group ng departamento.