^

Probinsiya

3 ‘tulak’ tumba sa buy-bust sa Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
3 ‘tulak’ tumba sa buy-bust sa Nueva Ecija
Ayon kay P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, aabot sa 1kabuuang 58.60 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,078,400 ang nakumpiska ng pulisya sa tatlong nasawing suspek na nakilalang sina Tommy Sagun, 48, ng Brgy. San Juan, Aliaga, NE; Richard Enriquez, nasa hustong gulang ng Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City; at Edward de Belen, nasa hustong gulang ng ba­yan umano ng Jaen.
The STAR/Joven Cagande

Mahigit P1 milyong shabu nasamsam

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng droga makaraang manlaban umano sa inilatag na buy-bust operations sa tatlong lugar sa lalawigang ito noong Sabado ng hapon at gabi 

Ayon kay P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, aabot sa 1kabuuang 58.60 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,078,400 ang nakumpiska ng pulisya sa tatlong nasawing suspek na nakilalang sina Tommy Sagun, 48, ng Brgy. San Juan, Aliaga, NE; Richard Enriquez, nasa hustong gulang ng Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City; at Edward de Belen, nasa hustong gulang ng ba­yan umano ng Jaen.

Nabatid sa ulat ng General Tinio Police na alas-9:40 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang sanib-puwersang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at PPDEU-NEPPO sa Barangay Rio Chico, kung saan nabilhan ng poseur buyer ang suspek na si De Belen ng 1-sachet ng umano’y shabu na nauwi sa barilan na ikinamatay nito.

Aabot ng 150 gramo ng umano’y shabu ang nasamsam kay De Belen na nagkakahalaga ng P1,020,000. Tumakas naman ang kasabwat ng suspek na sakay ng motorsiklo.

Sa ulat naman ng Zaragoza Police, alas-7:20 ng gabi nang kanilang isagawa ang operasyon sa Brgy. Concepcion, Zaragoza, NE, laban sa suspek na si Sagun na kumasa sa otoridad at napatay noon din. Nakuha kay Sagun ang 0.54 gramo ng umano’y shabu na may halagang P3,400.

Alas-5:15 ng hapon nang isagawa rin nila ang operasyon laban sa suspek na si Enriquez sa Purok 7, Brgy. Talipapa, Cabanatuan City.

Nanlaban din umano si Enriquez sa pulisya na humantong sa kanyang kamatayan. Nakuha sa suspek ang umano’y shabu na may timbang na 8.06 gramo na nagkakahalaga ng P55,000. - Doris Franche

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with