Mga pulis na idineploy sa Batangas pinag-iingat laban sa COVID-19
MANILA, Philippines — Pinag-iingat ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar ang mga pulis na idineploy sa lalawigan ng Batangas laban sa COVID 19.
Ayon kay Eleazar, nagbigay na siya ng direktiba kay Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na ialerto ang mga pulis at doblehin ang kanilang pag-iingat.
Sinabi naman ni Vera Cruz na dalawa ang kailangang harapin ng mga pulis. Ito ay ang COVID at ang kapakanan ng mga residente na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.
“On the part of ASCOTF, ipinapaalala ng PNP, sa direktiba ng ating PNP chief Gen. Eleazar sa mga pulis to observe ‘yung MPHS (minimum public health standards) not only in their work places but also in their homes. Sa ating mga kasama na made-deploy sa Batangas ibayong pag-iingat upang mapanatili ang kanilang kalusugan sapagkat napakalaki ang papel na ginagampanan ng ating kapulisan lalo na ngayong pandemya,” ani Vera Cruz.
- Latest