P250 milyon taklobo nakumpiska ng PCG sa Palawan
MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 150 tonelada ng mga “taklobo” o giant clam shells sa King’s Paradise Island Resort, Barangay Panitian, Sofronio Espaniola, Palawan noong June 28 na umabot ng P250 milyon.
Kinilala ang mga suspek na responsable sa pag-iingat ng mga taklobo na sina Eulogio Josos Togonon, Totong Josos, Nonoy Guliman, at Vilmor Pajardo na kapwa mga residente ng Barangay Iraray, Sofronio Espaniola, Palawan. Gayunman, si Togonon lamang ang naaresto sa operasyon.
Nasa kustodiya na ng mga opisyal ng Barangay Panitian ang mga nakumpiskang taklobo habang dinala naman sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa inquest proceedings at pagsasampa ng kaukulang kaso si Togonon.
Mahaharap ito sa paglabag sa “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”
Ang pagkakadiskubre ng taklobo ay sa pamamagitan ng sanib puwersang pagsisikap ng PCG Intelligence Group – Palawan, PCG Station Brooke’s Point, DF-332, Naval Intelligence and Security Group – West, PCSD, at PNP – Maritime Group.
- Latest