High profile drug suspect huli sa Isabela

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang itinuturing ng pulisya na high profile listed drug personality ang dinakip sa buy-bust operation sa Barangay Diamantina, Cabatuan sa lalawigang ito, ayon sa ulat ka­makalawa.

Kinilala ng Cabatuan Police ang nadakip na suspek na si Christian Paul Malabad, 22, ng Brgy. Daramuangan Norte sa bayan ng San Mateo.

Nakuha sa pangangalaga ng suspek ang 10 plastic sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana; homemade shot gun; bala; 12 gauge shotgun at isang REALME 6i cellphone.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa nga pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Isabela Police Provincial Office at Cabatuan PNP sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 (PDEA RO2).

Show comments