Mister ginulpi at kinatay ng mag-ama
MANILA, Philippines — Isang 39-anyos na mister ang patay nang pagtulungang bugbugin at saksakin ng isang mag-ama sa Brgy. Nanerman, Sto. Domingo, Ilocos Sur kamakalawa.
Dead-on-arrival sa Northside Doctors Hospital ang biktima na si Edralin Lazo, may asawa, residente ng naturang lugar habang ang mga suspek ay sina sina Reynaldo Domingo, 57, at anak na si Marvin, 22, binata, kapwa residente ng Brgy. Naglaoan ng naturang bayan.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga. Sinugod ng mag-ama ang biktima para komprontahin sa ‘di malamang kadahilanan.
Sa gitna ng komprontasyon, pumunta sa likod ng biktima ang nakatatandang Domingo saka bigla na lang nitong sinugod ng saksak.
Bagama’t nasaksak sa bandang dibdib, nagawa pang makipag-agawan ng kutsilyo ang biktima kaya nagkaroon din ng mga sugat sa katawan si Reynaldo.
Dito na tumulong sa kanyang tatay si Marvin at pinagsusuntok ang biktima hanggang sa duguang humandusay.
Rumesponde ang mga pulis at nadakip ang mag-ama. Nilalapatan ng lunas sa ospital si Domingo dahil sa tinamong mga sugat habang si Marvin ay nasa kustodya na ng Sto. Domingo Municipal Police Station.
- Latest