Van vs 16-wheeler: 2 patay, 5 kritikal

Patay agad dahil sa matinding mga sugat na tinamo sa aksidente ang mga biktimang sina Sharon Delos Santos Tangangorang, 44-anyos,residente ng Sitio Matagpo, San Nicolas at Rosalinda David Barrientos, 74-anyos,residente ng Victoria,lahat sa Northern Samar.
STAR/ File

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Dalawa katao ang dead-on-the-spot habang tatlo sa limang nasugatan ang kritikal matapos na mabangga ang kanilang sinasakyan ng rumaragasang 16-wheeler truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Sta. Cruz ng lungsod na ito kamakalawa ng mada­ling araw.

Patay agad dahil sa matinding mga sugat na tinamo sa aksidente ang mga biktimang sina Sharon Delos Santos Tangangorang, 44-anyos,residente ng Sitio Matagpo, San Nicolas at Rosalinda David Barrientos, 74-anyos,residente ng Victoria,lahat sa Northern Samar.

Kritikal na isinugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital ang kapwa mga pasahero na sina Jerah Reyes Gamilong, 25; Mark Jave Jepollo Barrientos, 24; Pejie Caro Tan, 34; lahat residente ng Victoria, Northern Samar.

Bahagyang sugat naman ang tinamo ng dri­ver na si Arwin Yago Bernadas, 34, ng Batasan Hills, Quezon City at isang 15-anyos na dalagita na taga-Cainta, Rizal.

Sa ulat, alas-3:30 ng madaling araw, mabilis na binabagtas ang kahabaan ng highway ng Howo Tipper truck (UQK-332) na minamaneho ni Bryan Baranquel Llovit, 32, residente ng Brgy.54 Mabinit, Legazpi City patungong bayan ng Oas.

Gayunman, pagda­ting sa bahagi ng cros­sing ay biglang tumawid ang puting Nissan Urvan van (NFX-8585) na minamaneho ni Bernadas dahilan para salpukin sila ng truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, patay agad ang dalawang biktima habang mabilis na isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng CDRRMO-Ligao City ang lahat ng malubhang mga nasugatan sa pagamutan.

Show comments