NUEVA ECIJA, Philippines — Apat na umano’y miyembro ng makakaliwang Milisyang Bayan Members ng Komiteng Larangang Gerilya (KLG) Sierra Madre ang boluntaryong sumuko sa gobyerno, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang apat na sumukong rebelde sa mga alyas na “Junil”, 43-anyos, “Marilou” 59, kapwa ng Gabadlon, NE; “Donald”, 35, at “Kalbo”, 42, kapwa ng Dingalan, Aurora.
Sumuko ang apat, alas-6:00 gabi nitong ng Miyerkules sa patrol base ng 1st Police Mobile Force Company ng NEPPO sa Barangay Tugatog, Bongabon, Nueva Ecija.
Isasailalim sa evaluation ang apat na surrenderees para masama sa Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.