^

Probinsiya

Buntis pinaanak ng 2 pulis sa mobile car

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines —  Naging­ viral sa social media ang pagiging bayani ng 2 pulis na lalaki ma­tapos na tulungan nila ang isang buntis na dadalhin sana sa hospital, suba­lit inabot nang panga­nganak sa kanilang mo­bile car, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sa­lawag ng lungsod.

Hindi pinanghinaan ng loob ay nagtulong sina PSSgts. Garry Gaz­zingan at Nelson Incognito na kapwa mi­yembro ng Mobile Patrol Unit, Cavite PPO na paanakin ang buntis na si Kristina Mendon, 32.

Bago ito ay kasalu­kuyang nagpapatrol sina Gazzingan at Incognito sakay ng  MPU mobile car 0929, alas-5:00  ng hapon sa Salawag nang madaanan nila  si Mendon kasama ang ilang kamag-anak na naghihintay ng masasakyan para magpunta ng ospital.

Isinakay ng dalawang pulis si Mendon at habang bumabaybay patungo ng ospital ay hindi na nito nakaya­nan at sinabing manganga­nak na talaga siya ka­ya’t itinabi ang mobile car at dito na nila ito pinagtulungang  paanakin ng dalawang pulis at makalipas ang ilang minuto ay matagumpay na nailabas ng ligtas  ang sanggol.

Binalot ang sanggol at muling pinatakbo ang mobile at idiniretso sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa kasa­lukuyan ay kapwa ligtas ang mag-ina.

VIRAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with