^

Probinsiya

2 pusher todas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 pusher todas sa buy-bust
Kinilala ang dalawang nasawing suspek na sina Marcelino Avila, alyas “Bornok”, ng Brgy. Homestead 2, Talavera, NE; at Willy Jose, ng Brgy. Bunol, Guimba.
STAR/File

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang lalaki na sinasabing tulak umano ng droga makaraang makipagbarilan sa pulisya sa isinagawang drug buy-bust operation sa bayan ng Talavera at General Natividad sa lalawigang ito, kamakalawa.

Kinilala ang dalawang nasawing suspek na sina Marcelino Avila, alyas “Bornok”, ng Brgy. Homestead 2, Talavera, NE; at Willy Jose, ng Brgy. Bunol, Guimba.

Ayon kay P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Talavera PNP, alas-4:10 ng Miyerkules ng hapon nang isagawa ang buy-bust laban sa suspek na si Avila sa Barangay Sibul, kung saan nabentahan umano ng suspek ang police poseur-buyer ng 1-plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Dito ay naghinala si Avila na pulis ang ka-transaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang pulis ngunit sumablay.

Gumanti naman ng putok ang pulisya at napatay ang suspek, na nakuhanan ng 3-sachet ng umano’y shabu na may timbang na 17.50 gramo at nagkakahalaga ng P119,000.

Ayon naman kay P/Capt. Shariel Paulino, hepe ng General Nati­vidad PNP, napatay ang dayong suspek na si Jose makaraang manlaban ito sa isinagawa nilang buy-bust sa Barangay Talabutab Sur, bandang alas-6:30, Miyerkules ng gabi.

Anim na plastic sachet ng umano’y shabu na may timbang na 0.12 grams na nagkakahalaga ng P15,000 ang narekober ng pulisya sa lugar kasama ang baril ng suspek na homemade cal .38 revolver at P500 bill ‘marked money’.

DROGA

PUSHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with