MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 221 paglindol sa Bulkang Taal o may 29 low frequency volcanic earthquakes at 192 volcanic tremor events sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philvolcs, ang naturang volcanic earthquakes ay may durations na isa hanggang 135 minuto. Ang bunganga ng bulkan ay dominated ng upwelling ng mainit na volcanic fluids at ito ay nagge-generate ng plumes na may 1,500 metro pataas sa hilagang kanluran.
Umaabot naman sa average na 5,837 na tonelada ng asupre ang lumalabas sa bulkan.
Mula noong April 2021, ang Taal volcano ay nagsimulang mag-alborotong muli at nagpapakita ng patuloy na pangkalahatang magmatic unrest sa may shallow depths ng bulkan.
Nananatiling nasa “alert level 2” ang bulkan at patuloy na pinapayuhan ang mga tao na iwasan ang pagpasok sa loob ng Taal Volcano island dahil sa banta ng pagbuga ng asupre, pagsabog, volcanic earthquakes, minor ash fall at volcanic gas.