^

Probinsiya

Bulkang Taal nagbabadyang sumabog! — Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Taal nagbabadyang sumabog! — Phivolcs
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naitalagng aktibidad sa bulkan ay bahagi ng patuloy na pag-aalboroto nito.
The STAR/Michael Varcas

Nagluwa ng abo na may taas na 1K-metro

MANILA, Philippines — Nagluwa ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas ng abo na may taas na 1,000 metro pahilagang kanluran at pahilagang silangan sa nakalipas na 24-oras na nagbabadya ng posib­leng pagsabog.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naitalagng aktibidad sa bulkan ay bahagi ng patuloy na pag-aalboroto nito.

Ang bulkan ay nananatiling nasa “alert level 2” na nagpapakita ng pagtaas ng level ng pagiging aktibo nito na maaaring magdulot ng magmatic activity at pagsabog.

Ang Bulkang Taal ay naglabas ng 4,443 to­nelada ng asupre nitong nagdaang linggo habang nakapagtala ng 13 volcanic tremors na may tagal na 270 minuto na isang palatandaan na ang patuloy ang magmatic unrest sa may shallow depths beneath ng bulkan.

Dahil sa mga pagbabagong nararanasan ng bulkan, patuloy na inaabisuhan ng Phivolcs ang mga lokalidad na nasa palibot ng bulkan na ugaliing mapagmasid at maging handa sa anumang epektong idudulot ng naturang pag-aalboroto.

BULKANG TAAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with