3 todas sa P68 milyong drug bust sa Cebu
MANILA, Philippines — Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng isang drug syndicate sa isinagawang buy-bust operation at nakakumpiska ang mga awtoridad ng nasa P68 milyong halaga ng shabu kamakalawa ng gabi sa Cebu City.
Isa sa mga suspek ay kinilala ni PNP chief Director General Guillermo Eleazar sa alyas na “Levon.”
Lumilitaw na nakaengkuwentro ng iba’t ibang unit ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Levon at dalawa pang kasamahan nito sa Brgy. Campo 4 sa Talisay City at Barangay Tap Tap, Cebu City.
Nakuha sa mga suspek ang 10 malalaking balot ng shabu na tumitimbang ng 10 kilo at nagkakahalaga ng P68 milyon, itim na traveling bag, silver Toyota Vios, at iba’t ibang uri ng baril.
Isinumite naman sa PNP-Drug Enforcement Group Special Operation Unit 7 ang mga nakuhang ebidensya para sa documentation at proper disposition.
Tiniyak ni Eleazar na tuluy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa mga drug syndicate at mga galamay nito.
- Latest