MANILA, Philippines — Niyanig ng may 5.3 magnitude na lindol ang Surigao del Norte kahapon ng umaga.
Ayon sa Phil Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-5:41 nang tumama ang lindol na naitala ang sentro nito may 68 kilometro ng hilagang silangan ng Burgos, Surigao Del Norte.
Dulot nito, naramdaman ang lakas ng pagyanig sa Intensity 4 sa Dapa, Surigao del Norte, at Intensity 2 sa Palo, Leyte; Surigao City; Abuyog, Leyte samantalang
Intensity I sa Alangalang at Baybay, Leyte; Gingoog City at Misamis Oriental.
Wala pang ulat ng pinsala sa naganap na lindol pero inaasahan ang aftershocks.