MANILA, Philippines — Nasa 185 na bagong sundalo ang matagumpay na nagtapos ng Candidate Soldier Course MANDILAAB (Mandirigmang Lalaban Alang-alang sa Bayan) Class 653-2020 sa 6th Division Training School sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao matapos ang limang buwan na matinding military training, nitong Hunyo 1.
Si Candidate Soldier Michael Flores, class president, ang nakatanggap ng Leadership Award dahil sa kanyang “outstanding aptitude, military knowledge and exemplary military bearing”.
Kasama sa nag-top sa klase sina CS Eugene Herrera, Jerom Delausa at Darryl Caritativo, na may general average na 92.32%, 92.21% at 91.95%, ayon sa pagkakasunod.