Top 4 most wanted sa Region 2 at Top 3 sa Isabela, arestado

Kinilala ni P/Lt. Col. Adree Abella, information chief ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang nadakip na top 4 most wanted na si Noel Suguitan, 38, ng D’Leaño, Claveria, Cagayan.

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Matapos madakip ang number 1 most wanted ng Cagayan Valley o Region 2, tuluyan na ring nadakip ng mga awtoridad ang Number 4 Top Most Wanted Person sa buong rehiyon kabilang na ang Top 3 Most Wanted Person naman sa Isabela, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Adree Abella, information chief ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang nadakip na top 4 most wanted na si Noel Suguitan, 38, ng D’Leaño, Claveria, Cagayan.

Si Saguitan na dinakip ng mga awtoridad sa pinagtataguan sa Barangay Samuk-Samuk sa bayan ng Sta. Ana sa nasabing lalawigan ay nagtago sa loob ng mahigit sa 6-taon dahil sa kasong pagpatay sa kanyang tiyuhin na si Johny Menor noong taong 2016.

Samantala, dinakip din ng pulisya si Ritchie Marcos, 32, ng Brgy. Turod, Reina Mercedes na itinuturing bilang Top 3 most wanted ng Isabela dahil sa kasong panggagahasa.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa dalawang nahuling top most wanted.

Show comments