^

Probinsiya

Lumabag sa quarantine protocols Birthday party nilusob: 18 katao arestado

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lumabag sa quarantine protocols Birthday party nilusob: 18 katao arestado
Kinilala ang mga dina­kip na sina Justine Esperida, 27, ng Blk. 10 Lot 19, Brgy. Salawag, Dasmariñas City kung saan idinaos ang party; mga bisitang sina John Arwin Movillon, 18; Anthony Blanco, 28, Jhaicint Maurice Alvino,18; Rogen Caliso, 18; Christopher Aaron Esguerra, 18; John Drew Botero, 19; Jaypee Dionisio, 18; Carlo Bati­ngan, 18; Marvin Martino, 19; John Rogie Roa, 18, at pitong may edad 16-17 na taga-Dasmarinas City.

CAVITE, Philippines — Arestado ang 18 katao kabilang ang pitong menor-de-edad matapos maaktuhan na kumpul-kumpol at nag-iinuman sa isang birthday party sa gitna ng umiiral na istriktong ge­neral community quarantine at hindi pagsunod sa ipinatutupad na ordinansa kahapon ng madaling araw sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Kinilala ang mga dina­kip na sina Justine Esperida, 27, ng Blk. 10 Lot 19, Brgy. Salawag, Dasmariñas City kung saan idinaos ang party; mga bisitang sina John Arwin Movillon, 18; Anthony Blanco, 28, Jhaicint Maurice Alvino,18; Rogen Caliso, 18; Christopher Aaron Esguerra, 18; John Drew Botero, 19; Jaypee Dionisio, 18; Carlo Bati­ngan, 18; Marvin Martino, 19; John Rogie Roa, 18, at pitong may edad 16-17 na taga-Dasmarinas City.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office director P/Col Marlon Santos, alas-2:30 ng madaling araw nang makatanggap ng sumbong ang Barangay Salawag mula sa ilang concerned citizen hinggil sa madaling araw na umano ay maiingay pa rin ang loob Blk 10 Lot 19 sa Brgy. Salawag, dahil isa sa mga suspek ang nagdiriwang ng kaarawan.

Agad na nagtungo ang mga opisyal ng barangay sa nasabing lugar at dito naabutan ang 18 katao na mga lasing na at walang mga suot na face mask. Hindi rin nila sinunod ang social distancing at nilabag nila ang curfew hour.

Pinakiusapan ng mga brgy. officials ang mga nadatnan nila sa lugar su­balit dahil sa tama ng alak, nagalit pa sila at pinagmumura umano ang mga opisyal ng barangay. Dito na humingi ng responde ang barangay sa pulisya sanhi ng pagkakaaresto ng mga pasaway na suspek.

QUARANTINE PROTOCOLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with