^

Probinsiya

7 tiklo sa tupada sa Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

STO. DOMINGO, Nueva Ecija, Philippines — Inaresto ng pulisya ang pitong lalaki na nahuling nagtutupada o nagsasagawa ng ilegal na sabong ng manok sa isang tagong lugar sa Barangay Malasin ng bayang ito, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Major Herbert Ocumen, hepe ng pulisya rito, ang mga suspek na sina Norberto Velasquez, 31, ng Brgy. Dolores, ng bayang ito; Raymond Costuna, 25, ng Brgy. San Miguel, Quezon, NE; Nomer Dicion, 38; Cris Alvin Apelo, 30; Billy Joe Apelo, 22; Darwin Pulido, 27; at Guillermo Cristobal, 29, pawang mga residente ng Brgy. Mambarao, rito.

Ayon sa ulat, alas-4:30 ng hapon, isang tawag sa telepono ang tinanggap ng pulisya mula sa isang concerned citizen at sinabing may nagaganap na sabong sa nasabing lugar.

Dahil dito, agad na rumesponde ang pulisya at naabutan ang mga suspek sa kanilang ilegal na gawain at doon din ay inaresto ang mga ito.

Nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ang limang patay na manok, dalawang buhay na manok, 2-tari at bet money na aabot sa P1360.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287 o Cockfighting Law.

TUPADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with