^

Probinsiya

2 ‘tulak’ todas, P14 milyong shabu nasamsam Madugong buy-bust sa Gapan City

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 ‘tulak’ todas, P14 milyong shabu nasamsam Madugong buy-bust sa Gapan City
Kinilala ni P/Brig. Gen. Valeriano De Leon, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ang dalawang napatay na suspek na sina Dennis Kue at Percival Miranda, kapwa ng nasabing barangay, habang nakatakas naman ang isa pa umano nilang kasabwat na nakilala sa alyas “Joel”.
STAR/ File

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Aabot sa P14 mil­yong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya matapos mapatay sa engkuwentro ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 1, Barangay Sto. Cristo Sur, dito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Brig. Gen. Valeriano De Leon, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ang dalawang napatay na suspek na sina Dennis Kue at Percival Miranda, kapwa ng nasabing barangay, habang nakatakas naman ang isa pa umano nilang kasabwat na nakilala sa alyas “Joel”.

Nabatid kay P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, na nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang PNP at Philippine Drug Enforcement Agency-Region 3 sa nasabing lugar, pasado alas-3 ng hapon kung saan narekober ang 2 kilo at 58 gramo ng shabu sa lugar  matapos mapatay.

Natagpuan sa encounter site ang baril ng mga suspek, P100,000 boodle money kabilang ang isang P1,000 bill na ginamit sa operasyon.

Inaalam ng awtoridad kung nasa active service pa sa Philippine Army ang suspek na si Miranda matapos marekober ang isang Army ID nito. - Victor Martin

VALERIANO DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with