Bayan sa Maguindanao, may 2 mayor
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu bilang bagong mayor ng Talitay, Maguindanao si Fahad Midtimbang na nagsisilbi ring pangulo ng Association of Barangay Chairmen ng bayan.
Pero, nabalot ito ng kontrobersya mula sa mga mamamayan dahil lumalabag umano ito sa “law of succession”.
Ang elected mayor ng Talitay noong 2019 election ay si Allan Sabal habang ang elected vice mayor ay ang kapatid nitong si Montasir Sabal. Si Allan Sabal ay napatay sa isang hotel sa Maynila.
Dahil nabakante ang office of the mayor, si Vice Mayor Sabal ang umupo bilang alkalde at ang No. councilor na si Moner Sabal ang nagsilbing acting vice mayor.
Pero, si Montasir Sabal ay nag-resign nitong Marso 19 kaya’t sa law of succession ay si Councilor Moner Sabal umano ang dapat na magiging mayor.
Noong Mayo 11, itinalaga ni Gov. Mangudadatu si Midtimbang bilang caretaker mayor habang nitong Mayo 12, nagpalabas ng certificate of recognition si BARMM Interior Minister Naguib Sinarimbo na kumikilala kay Vice Mayor Moner Sabal bilang acting mayor by law of succession. z
- Latest