KAWIT CITY, Cavite, Philippines — Namatay habang dinadala sa ospital ang isang 48-anyos na lalaki nang tumbukin nito ang isang sementadong bahay matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motor,kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Centennial Road,Brgy. Panamitan.
Napuruhan sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay na nakilalang si Arven Damayo, fish vendor,ng Brgy. Aniban 1, Bacoor City,Cavite.
Sa ulat ng pulisya, alas-11:40 ng gabi ay papauwi na sana ang biktima sakay ng kaniyang Baja 110 motorcycle at binabagtas ang nasabing highway
Dahil sa bilis, nawalan ng kontrol ang biktima at tuluy- tuloy na sumalpok sa terrace ng isang bahay na nasa gilid ng higway.
Sa tindi ng pinsala nito, napuruhan sa ulo ang biktima at idineklarang dead-on-arrival na sa Kalayaan Hospital.