^

Probinsiya

Bully na magsasaka kinatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PADRE BURGOS ,Quezon, Philippines — Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan at namatay noon din ang isang magsasaka makaraang pagtatagain ng kabaro na kanyang binully sa Sitio Sisig, Barangay Cabuyao Sur, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronnie Montenegro, 37, may asawa habang nadakip naman ang suspek na si Antonio Sumiral, 50, mga residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 ng hapon ay nakatayo sa harapan ng tindahan ang suspek nang lapitan ng biktimang senglot sa alak kasama ang isa pang kapitbahay na si Guillet Gambo at hinamon ito ng suntukan.

Palibhasa’t mga lasing ay hindi sila pinatulan ng suspek gayunman ay biglang bumunot ng gulok ang biktima at tinaga ang una na mabilis na nakailag.

Sa pagkakataong iyon na nasa panganib na ang kanyang buhay, binunot ng suspek mula sa kanyang beywang ang gulok at tinaga rin ang biktima.

 Nagawa pang makatakbo ng biktima subalit nadapa ito at nang abutan ay pinagtataga pa ng suspek habang halos mahulasan sa takot na tumakbo palayo ang kasama ng bully.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with