MANILA, Philippines — Nasabat ng PNP-Drug Enforcement Group (DEG) ang nasa P4.6 milyong halaga ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska mula sa tatlong ‘tulak’ sa isinagawang operasyon, kahapon ng madaling araw sa Tarlac City.
Sa ulat ng PNP-DEG, sinasabing nasa edad 24 hanggang 50 ang mga suspek, na pawang mga taga-Mountain Province.
Ayon sa PNP, nakatanggap sila ng impormasyon na may transaksiyon ang mga suspek sa lugar kaya isinagawa ang anti-illegal drug operation sa Barangay San Nicolas, Tarlac bandang ala-1:30 ng madaling araw.
Nakuha sa kanila ang 24 bricks ng hinihinalang dried marijuana, 26 rolled dried marijuana leaves at 2 bote ng hinihinalang cannabis oil.
Lumilitaw na bukod sa Tarlac, nagbabagsak din ang mga suspek ng ilegal na droga sa Pangasinan at Mountain Province.
Dinala sa Camp Gen. Francisco S. Macabulos sa Tarlac City ang mga suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.