LUCENA CITY, Philippines — Dinagsa kahapon ng mahigit sa 200 residente ng lungsod ang Barangayanihan Pantry ng Lucena City Police Station sa pamumuno ni PLtCol Romulo Albacea at ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.
Nasa pangatlong araw na ng kanilang sariling adbokasya ang kapulisan para sa mga naapektuhan ng pandemya at tatagal hanggang sa Mayo 1,2021.
Ayon kay PSSG Ana Paral, PCAD PNCO, Lucena CPS, nagbibigay sila ng stub sa mga residente upang matiyak ang tamang bilang para hindi magkaroon ng biglaang pagdagsa.
Tinitiyak ng mga otoridad na lahat ng magtutungo sa lugar ay nakasuot ng face shield, face mask at may physical distancing bilang pagsunod sa health protocols.