TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Nasawi ang isang 67-anyos na lola matapos matupok sa loob ng nasusunog niyang bahay sa Barangay Calaocan, Santiago City, Isabela kamakalawa.
Kinilala ni Fire Officer 2 William Peralta ng Santiago City Bureau of Fire Protection ang biktima na si Nelda Tubay, retiradong propesor ng isang pamantasan sa nasabing lungsod.
Pinaniniwalaang sa natumbang gasera ang pinagmulan ng apoy dakong alas-8:00 ng gabi.
Nabatid na hindi nagpapakabit ng kuryente ang matanda na napag-alamang mag-isa lamang nakatira sa bahay.
Ganap na naapula ang apoy makalipas ang isang oras.