^

Probinsiya

Karnaper dedo sa shootout

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Napatay ng mga kagawad ng Marilao police ang isang hinihinalang motornapper sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Patubig, Marilao, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt.Col. Leandro Gutierrez, Acting Chief of police ng Marilao PNP ang napatay na suspek na si Maynard Narvasa Consunto ng Brgy. Prenza, Marilao, Bulacan.

Sa report, isang buy-bust operation ang isinagawa ng Marilao police sa nasabing suspek sa Brgy. Patubig, alas 3:50 ng madaling araw hanggang sa natuklasan na ang motor na nakumpiska nila sa suspek matapos ang shootout ay carnap pala.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang limang plastic sachet ng shabu, isang cal .38 revolver, ang kinarnap na motorsiklo at buy-bust money.(Omar Padilla) kober,ayon sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office kamakalawa.

Sa kasalukuyan 5,401 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo habang ang kabuuang bilang ng mga nakarekober ay nasa 4,579 at umabot naman sa 148 ang mga pumanaw sa buong lalawigan.

Sa mga tinamaan ng CO­VID-19 ay 4-anyos na lalaki ang pinakabata mula sa Morong habang ang pinakamatanda ay nasa 76-anyos mula naman sa Mariveles.

Sa talaan naman ng mga gumaling, nasa 7 buwan na lalaki mula Abucay ang pinakabata habang nasa 78-anyos na babae mula Dinalupihan ang pinakamatandang nakarekober.

Nasawi naman ang 39-anyos na babae mula sa Dinalupihan at 65-anyos na lalaki mula sa Limay dahil sa virus.

Mula noong ika-31 ng Enero 2020 hanggang sa kasalukuyan ay 55,262 na ang mga indibiwal na nasuri sa lalawigan ng Bataan.

LEANDRO GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with