SAN MARIANO, Isabela, Philippines — Namatay noon din ang isang 45-anyos na magsasaka matapos siyang barilin ng shotgun habang papuntang banyo sa labas ng kanilang bahay sa Brgy.Disusuan, kahapon.
Sa ulat, ng pulisya, alas-6:00 ng gabi ay patungo ang biktimang si Sandro Baria sa banyo na nasa labas ng kanilang bahay nang siya ay lapitan ng nag-iisang suspek na armado ng shotgun at walang kaabug-abog na binaril ito na agad niyang ikinasawi.
Ayon sa misis ni Baria, wala siyang alam na atraso ang kanyang mister kaya’t nananatiling palaisipan sa mga imbestigador ang motibo ng krimen.