^

Probinsiya

Barko sumadsad: 3 crew patay, 10 nawawala

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Barko sumadsad: 3 crew patay, 10 nawawala
Ang mga namatay na crew ng barko ay nakilalang sina Marvin Lusica, electrician Norman Galon, at oiler Lemuel Davidas.
STAR/ File

Hinampas ng dambuhalang alon sa Surigao

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang patay habang 10 pa ang nawawala matapos na sumadsad  ang cargo ship na  LCT Cebu Great Ocean sa baybayin ng Barangay Cantappoy sa Malimono, Surigao del Norte noong nakaraang Lunes ng hapon.

Ang mga namatay na crew ng barko ay nakilalang sina Marvin Lusica, electrician Norman Galon, at oiler Lemuel Davidas.

Nakilala naman ang anim na nasagip na crew na sina Noli Labucay, chief mate Roger Polo, Arjie Bacarra, Jojie Villanueva, Felipe Quebuen Jr., at John Renso Guanzon. Lima sa ka­nila ay agad na dinala sa Caraga Regional Hos­pital habang ang dalawa ay sa Malimono District Hospital.

May kargang nickel ore at 2,000 litro ng krudo ang LCT Cebu Great Ocean nang hampasin ito ng malalaking alon na dala ng bagyong Bising.

Inaalam pa ng Philippine Coast Guard kung saan papunta ang nasa­bing cargo ship nang ma­ganap ang trahedya sa karagatan.

Nagpapatuloy ang search and rescue ope­rations ng PCG at disaster response team sa 10 pang nawawala na hindi pa pinapangalanan.

LCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with