^

Probinsiya

Egyptian bomber, 2 pa utas sa engkuwentro!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Egyptian bomber, 2 pa utas sa engkuwentro!
Kinilala ni Philippine Army-11th Infantry Division (ID) at Joint Task Force (JTF) Sulu commander Brig. Gen. William Gonzales ang napatay na dayuhan na isang alyas “Yusop”, habang isa sa dalawang Abu Sayyaf trained bomb makers na kasama sa mga napas­lang ang natukoy na si Abu Khattab Jundullah alyas Saddam at ang isa ay patuloy na inaalam ng pagkakakilanlan.
STAR/ File

Responsable sa twin suicide bombing sa Jolo

MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng militar matapos nilang mapatay ang isang suicide bomber na Egyptian national at dalawa pang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na nasa likod ng madugong kambal na suicide bombing kabilang ang Jolo Cathedral bom­bing noong 2019 at 2020 matapos makaengkuwentro ang tropa ng mga sundalo sa Patikul, Sulu nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Philippine Army-11th Infantry Division (ID) at Joint Task Force (JTF) Sulu commander Brig. Gen. William Gonzales ang napatay na dayuhan na isang alyas “Yusop”, habang isa sa dalawang Abu Sayyaf trained bomb makers na kasama sa mga napas­lang ang natukoy na si Abu Khattab Jundullah alyas Saddam at ang isa ay patuloy na inaalam ng pagkakakilanlan.

Bandang alas-10:45 ng gabi, ayon kay Gonzales nang makasagupa ng operating forces ng 1102nd Infantry Brigade sa ilalim ng 11th ID ang grupo ni Yusop sa liblib na lugar sa Brgy. Igasan, Patikul. Tumagal ng mahigit 10 minuto hanggang sa umatras ang mga bandido at inabandona ang tatlong napatay.

“These three terro- ­rists are under the group of Mudzrimar “Mundi” Sawadjaan, who is the behind the twin suicide bombings in Jolo in August 2020 as well as the Jolo Cathedral bombing in January 2019,” pahayag ni Gonzales.

Ang naturang Egyptian terrorist ay nagsa­sanay umano ng bomb making at terror attack sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Sa kasalukuyan, ayon kay Army’s 1102nd IB commander Col. Benjamin Batara, tinutugis na ng kanilang tropa ang mga nagsitakas na mga bandido na pinamumunuan ni Mundi.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M653, isang M203, isang R4 na may scope, walong magazine, isang maikling magazine, 85 rounds ng M16 ammunition, isang round ng M203 ammunition, dalawang bandoliers at mga personal na kagamitan.

Ayon sa opisyal, ang dayuhang teroristang si Yusop ay nagboboluntaryo umanong suicide bomber simula nang sumapi siya sa grupo ng nasawing si ASG commander Hatib Hajan Sa­wadjaan.

Si Yusop ay anak ng suicide bomber na si Siti Aisyah na nasa likod ng suicide attack noong Set­yembre 8,2019 na ikinasawi nito matapos makasagupa ang security forces sa Brgy . Tagbak, Indanan, Sulu samantalang si alyas Abdurahmil, step-father ni Yusop ay napaslang naman sa checkpoint operation sa Brgy. Ajid, Indanan noong 2019.

ID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with