TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 ang mayor ng Pugo, La Union kahapon.
Sa kanyang social media advisory, sinabi ni Mayor Priscilla Martin na kasabay niya ang tatlo pang kababayan na nakitaan ng virus kaya’t mula sa 22 ay umakyat sa 26 ang aktibong kaso sa kanyang teritoryo.
Aniya nagpasya siyang sumailalim sa RT PCR test matapos magkaroon ng exposure sa isang positibong kaso noong Linggo.