4 pa sa Kalinga, nakitaan ng COVID-19 UK variant

Ayon sa Kalinga Pro­vincial Health Office, ang variant na kilala rin na B.1.1.7 ay nasuri sa mga swab samples ng dalawang nagpositibong residente mula sa Rizal at Pasil at dalawa pa sa Tabuk City, sa labora­toryo ng Baguio General Hospital Medical Center noong Marso 5 at 8.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Apat pang katao ang kinumpirmang kinapitan ng UK variant ng CO­VID- 19 sa Kalinga noong Linggo.

Ayon sa Kalinga Pro­vincial Health Office, ang variant na kilala rin na B.1.1.7 ay nasuri sa mga swab samples ng dalawang nagpositibong residente mula sa Rizal at Pasil at dalawa pa sa Tabuk City, sa labora­toryo ng Baguio General Hospital Medical Center noong Marso 5 at 8.

Bunsod ng pangya­yari, ipinag-utos ng Kalinga Inter-Agency Task Force on COVID-19 na dagdagan pa ng hindi bababa sa 10 araw na extension ang quarantine ng apat na nakitaan ng UK variant upang matiyak na hindi na ka­kalat ang kinatatakutang variant

Ipinag-utos din ng IATF na isailalim muli sa 14 araw na strict qua­rantine at pagsusuri ang hanggang sa third ge­neration contacts ng apat na UK variant patients kahit nagnegatibo ang resulta ng kanilang unang swab test.

Dahil dito, anim na ang naitatala sa Ka­linga na nagtataglay ng UK va­riant mula nang makapasok ito sa bansa­ no­ong nakaraang Enero­. Ang unang dalawang naki­taan ng UK variant noong Pebrero ay mga paslit mula sa Lubuagan na kapwa idineklarang “fully recovered” na.

Show comments