CAVITE, Philippines — Walong hinihinalang tulak ng droga habang 12 sabungero ang dinampot sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad habang umiiral ang lockdown dito.
Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon hanggang alas-12:45 ng madaling araw kahapon nang nagsagawa ng buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa tatlong lungsod.
Sa Gen Trias City, limang hinihinalang tulak ang dinampot sa buy-bust sa Pasong Kawayan 2 at Brgy. Buenavista 2 habang tig-isa sa Brgy. Niyog 1, Bacoor City at Brgy. Buhay na Tubig, sa Imus City.
Nasa 12 namang sabungero ang inaresto nang magsagawa ng anti-gambling operation sa kasagsagan enhanced community quarantine sa Brgy. Lantic, Carmona kung saan tatlo ang dinampot.
Apat katao rin ang inaresto sa tupada sa Green Breeze Subd., Brgy Langkaan 2, Dasmariñas City at lima pa ang binitbit sa Bgry. San Francisco, Gen. Trias City. Umabot sa P5,100 na pusta, anim na panabong at limang tari ang nasamsam sa nasabing operasyon.