DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Dead-on-the- spot ang isang sekyu matapos ang minamaneho niyang motor ay sumalpok sa isang poste sa gilid ng highway, Brgy. Sta. Maria, ng lungsod na ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Zydnee Kristoff Abalos Montalban, 32, security guard, residente ng B5, L6, San Antonio De Padua 1 Dasmariñas City, matapos nitong sumalpok sa kongkretong poste sa gilid ng higway.
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-5:30 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kaniyang Honda Beat MC at mabilis na binabagtas ang kahabaan ng Congressional Road, Brgy. Sta Maria Dasmariñas City na ito ay mawalan ng kontrol at tuluy-tuloy na sumalpok sa kongkretong poste na dahilan ng agarang pagkamatay nito.