Ifugao State U ni-lockdown, 2 sekyu tinamaan ng COVID-19
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isinailalim sa indefinite lockdown mula noong Lunes ang main campus ng Ifugao State University sa bayan ng Lamut matapos magpositibo ang dalawang sucrity guard ng nasabing unibersidad.
Nabatid na pinangangambahan ng administrasyon ng naturang university na maarami silang nahawang kawani at opisyal. Ito ay dahil hindi nakakapasok at nakakalabas ng kanilang compound ang sinuman na hindi lalantad sa dalawang bantay na noon ay may taglay nang virus.
Ayon kay Campus Executive Director Napoleon Tanguiling, agad niyang iniutos ang pagsasailalim sa quarantine at PCR test sa lahat ng kanyang mga campus personnel upang masawata ang pagkalat ng virus.
Aniya, suspendido lahat ng transaksyon at opisina sa campus habang Isinailalim sa work from home scheme ang mga kawani.
- Latest