^

Probinsiya

Brgy. officials nag-sorry, itinangging hinaras Grab rider sa viral lugaw video

James Relativo - Philstar.com
Brgy. officials nag-sorry, itinangging hinaras Grab rider sa viral lugaw video
Larawan ng barangay official na si Phez Raymundo (kaliwa), Grab delivery rider na si Marvin Ignacio (gitna) at isa pang opisyal ng barangay na pinararatangan ng harassment (kanan) matapos ang viral na panghaharang ng lugaw delivery sa gitna ng curfew habang may ECQ sa San Jose del Monte, Bulacan
Videograb mula sa Facebook ng Barangay Muzon at ni Marvin Ignacio

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad ang mga kawani ng barangay Muzon sa San Jose del Monte, Bulacan sa isang lugawan matapos mag-viral ang kanilang pagharang sa isang delivery rider na na naghahatid ng pagkain sa gitna ng COVID-19 curfew at lockdown.

Huwebes nang ipasara ng baranggay ang "Lugaw Pilipinas" matapos mag-process ng order kahit ECQ curfew na. Pero giit ng delivery rider na naghahatid ng naturang pagkain, pinagsisigawan sila at "tinakot" dis-oras ng gabi kahapon.

Ito ay kahit inilinaw na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at Malacañang na pwedeng mag-deliver 24/7 kahit enhanced community quarantine (ECQ) basta pagkain.

Kita ang insidente sa video na ito na ipinaskil ng Grab rider na si Marvin Ignacio.

"Doon po sa nangyari na parang harassment po na nakita nila, pasensya na po. Wala po kaming intensyon na sila ay harasin o masaktan," ayon sa isa sa mga naghain ng closure order sa video na inilabas ng barangay Muzon, Biyernes.

"Ang gusto lang po namin ay ibigay ang papel para po may kopya sila. Pasensya na Marvin, pati po sa may-ari ng Lugaw Pilipinas, pati na po sa mga netizen na nakakita nito."

Ganyan din naman ang pagso-sorry ng isa pang opisyal ng baranggay na si Rudy Bernardino sa parehong video. Aniya, handa raw silang harapin ang anumang parusa na ipapataw sa kanila ng kanilang kapitan.

'Pananakot' sa delivery rider

Kagabi lang nang mag-post ng video si Ignacio sa Facebook habang takot na takot at humihingi ng tulong dahil sa biglaang pagsugod ng tatlong "kahina-hinalang lalaki."

"Sana po matulungan ninyo kami. Pinagiinitan na naman yung Lugaw Pilipinas. May nagpunta po doon, tama po ba yun... Pasensya na po ha, kasi natatakot ako... Baka saktan nila ako," wika niya.

"Kahina-hinala yung galaw nila. Wala silang kasamang barangay tanod, wala silang [police] mobile. Naka-motor lang talaga sila, tapos ang gusto nila isara yung tindahan kasi mayroon daw silang memo na pinapakita."

KAILANGAN KO PO NG TULONG NIYONG LAHAT ???????????? SANA PO MATULUNGAN NIYO AKO/KAMI NANGINGINIG PARIN PO AKO SA TAKOT NA NARAMDAMAN KO

Posted by Marvin Ignacio on Thursday, April 1, 2021

Paumanhin ng baranggay

Pormal na ring humingi ng tawad si Phez Raymundo, VAWC desk officer ng baranggay, na unang nag-trending matapos makaharap pagalitan at harangin si Ignacio sa kalsada dahil sa pagde-deliver ng lugaw lagpas sa curfew hours.

"Ako ay humihingi ng paumanhin kasama na rin po doon 'yung may-ari ng establishment at sa mga Grab drivers," ani Raymundo kanina.

"Hindi ko po gusto na ma-offend kayo. 'Yun po ay hindi intentional dahil late na po ng madaling araw 'yun. Napagod din po siguro ako."

Dagdag pa niya, nagkamali lang daw siya ng mga salitang ginamit matapos mangatwiran na bawal maghatid ng lugaw kahit na pwedeng-pwede naman ito sa ilalim ng rules ng IATF.

Ipinagpahingi na rin ni Barangay Muzon chairman Marciano Gatchalian ang insidente at ipinangakong hindi na ito mauulit: "Hindi ko po kinukunsinti ang anumang pagkukulang at pagkakamali na nagagawa ng mga empleyado sa mga tao at mga mamamayan, lalung-lalo na sa mga residente ng Barangay Muzon."

"Lagi ko pong ipinapaalala sa kanial na maging magalang... lagi pong may maximum tolerance." — may mga ulat mula kay The STAR/Emmanuel Tupas

BULACAN

LOCKDOWN

LUGAW

SAN JOSE DEL MONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with