^

Probinsiya

Kuta ng Maute-ISIS ni-raid: 3 kidnaper todas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kuta ng Maute-ISIS ni-raid: 3 kidnaper todas!
Ang mga nasawi ay nakilalang sina Kadafy Ayonan, wanted sa kasong kidnapping at murder na ang grupo nito ay may alyansa sa Dawlah Islamiyan-Maute na nago-ope­rate sa lalawigan; Bong Hadjinasser at Garcia Muloc Ariraya.
File

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihina­laang notoryus na kidnappers kabilang ang isang most wanted person ang napaslang sa engkuwentro matapos na salakayin ng mga awtoridad ang kanilang hideout na pinamumugaran din ng mga kasapi ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)-Maute terrorist group sa bayan ng Piagapo, Lanao del Sur nitong Biyernes.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Kadafy Ayonan, wanted sa kasong kidnapping at murder na ang grupo nito ay may alyansa sa Dawlah Islamiyan-Maute na nago-ope­rate sa lalawigan; Bong Hadjinasser at Garcia Muloc Ariraya.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ng korte sa Marawi City laban kina Ayonan, Ibra Maute Dimakuta at Amirodion Dimakuta sa kasong kidnapping with murder, sinalakay ng mga intelligence ope­ratives ng Lanao del Sur Provincial Police Office (PPO), PNP Anti-Kidnapping Group, Special Action Force (SAF) at Regional Mobile Force Battalion 14, dakong alas-5:30 ng madaling araw ang kanilang kuta sa Brgy. Mamaan, Piagapo.

Gayunman, agad umanong pinaulanan ng bala ng mga tero­rista ang mga operatiba sanhi ng umaatikabong engkuwentro.

Matapos ang 30 minutong putukan, napatay si Ariraya habang si Ayonan ay idineklarang dead-on-arrival sa Amai Pakpak Medical Center at nakita naman ang bangkay ni Hadjinasser sa clearing operations. Nakatakas naman sina Dimakuta at kasamahan.

Narekober sa encounter site ang isang M14 rifle, sari-saring magazine at mga bala at mga sangkap sa paggawa ng improvised na bomba.

ISIS-MAUTE GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with