KAWIT, Cavite, Philippines — Nasa mahigit 600 pamilya ang nawalan ng kanilang mga bahay sa naganap na sunog kamakalawa sa Brgy. Samala-Marquez sa bayang ito.
Sa nakalap na ulat mula sa Kawit Fire Station, alas 12:20 ng madaling araw nitong Biyernes nang sumiklab ang sunog sa isang bahay at tuluyang kumalat at nadamay ang iba pang mga kabahayan na pawang gawa sa light materials na matatagpuan sa kahabaan ng Covelandia Road ng nasabing barangay.
Umabot ng 3rd alarm ang nasabing sunog na tumagal ng may mahigit sa 6 na oras bago ito tuluyang naapula .
May mga ulat na nasugatan,subalit wala namang namatay.Patuloy ang imbestigasyon kung paano nagsimula ang sunog.