TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Natimbog ang umano’y isang drug courier matapos masamsaman ng P5.3 milyong halaga ng ecstasy tablets na tinanggap niya bilang padala sa Post Office ng Mabalacat City, Pampanga noong Huwebes.
Kinilala ni Central Luzon Police Office Director Brig. General Valeriano De Leon ang arestado na si Agatha Lavadia Palen, 27, ng Barangay Dau, Mabalacat City.
Kinumpiska kay Palen ang 3,100 piraso ng ecstasy tablets, isang cellular phone na naglalaman ng kanyang transaksiyon sa drug trade at mga dokumento sa post office na nagsasaad ng pagtanggap nito sa padalang illegal parcel na naglalaman ng illegal drugs.
Ang naturang parcel ay na naka-consign sa isang Zhyrelle Ancheta habang inaalam pa ng pulisya kung sino ang nagpadala ng nasabing droga.