ANGELES CITY, Pampanga , Philippines — Nasa 17 katao ang naaresto matapos salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Luzon ang dalawang sinasabing drug den sa Sitio Sto. Niño Barangay Balibago, noong Martes ng gabi.
Sa ulat sa tanggapan ni PDEA Director Christian Frivaldo, kinilala ang mga suspek na sina Eldrix Albarillo, 25; Rosebelle David, 29; Ryan Bundalian,27;Norlyn Agnote,36;Michael Salenga,22;Raymond Macapagal,26; Sherly Bobis, 31; Alexander Albarillo, 33; Karen Mae Pelle, 27; isang 15-anyos na lalaki; Mila Florancisco, 29; Mark Anthony Jandoc, 24; Angelica Caballero, 22; Jennifer Sua,32;Judith Labanda,24;Angelica Pelle, 31; at Rolando Arrivado,45
Nasamsam sa operasyon ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170,000,at assorted drug paraphernalia.
Isasailalim sa drug test ang mga naaresto at sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.