Barangay peacekeeper, patay sa ambush

ANTIPAS,North Cotabato , Philippines — Isang miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT) ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunman habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Malangag ng bayang ito, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Bernie Rosales Pajenado, 43-anyos na residente sa nasabing barangay.

Ayon kay Police Major John Calinga, hepe ng Antipas PNP, wala namang nakaaway o nakaalitan ang biktima pero posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho bilang peacekeeper ang pamamaril sa kanya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na binaril ng ‘di pa nakilalang suspect ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo at patungo na sana sa kanyang trabaho.

Mabilis na ito ay dinala sa ospital,subalit idineklarang dead on arrival dahil sa pitong tama ng bala ng shotgun sa katawan.

Isa ang personal grudge sa mga tinitingnang anggulo ng mga pulis sa motibo ng pagpatay sa biktima.

Show comments