4 batang magpipinsan nilamon ng ilog, patay

Kinilala ni Police Major Jeffrey Onde, hepe ng Hermosa Police, ang mga biktimang sina AC Magtanong 11-anyos, AJ Magtanong 11-anyos, Reynalyn Magtanong 13-anyos at Gabriel Santos, 11, pawang mga re­sidente ng nabanggit na bayan.
STAR/ File

HERMOSA, Bataan,Philippines — Trahedya ang kina­sapitan ng apat na batang magpipinsan na nagkaya­yaan na maligo sa ilog nang sabay-sabay na masawi sa pagkalunod sa bayang ito kamakalawa ng hapon

Kinilala ni Police Major Jeffrey Onde, hepe ng Hermosa Police, ang mga biktimang sina AC Magtanong 11-anyos,  AJ Magtanong 11-anyos, Reynalyn Magtanong 13-anyos at Gabriel Santos, 11, pawang mga re­sidente ng nabanggit na bayan.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na masayang­ naliligo ang apat na biktima sa Almacen Ri­ver bandang alas-3 ng hapon nang mapadpad sa isang bahagi ng ilog na may 10-talampakan ang lalim.

Hindi na umano nagawang makalangoy at makaahon ng apat na biktima hanggang sa tuluyang malunod.

Nagawang marekober ang katawan ng mga bata ng mga sumaklolong residente su­balit idineklara sila kapwa dead-on-arrival sa Dinalupihan District Hos­­pital.

Show comments