4 batang magpipinsan nilamon ng ilog, patay
HERMOSA, Bataan,Philippines — Trahedya ang kinasapitan ng apat na batang magpipinsan na nagkayayaan na maligo sa ilog nang sabay-sabay na masawi sa pagkalunod sa bayang ito kamakalawa ng hapon
Kinilala ni Police Major Jeffrey Onde, hepe ng Hermosa Police, ang mga biktimang sina AC Magtanong 11-anyos, AJ Magtanong 11-anyos, Reynalyn Magtanong 13-anyos at Gabriel Santos, 11, pawang mga residente ng nabanggit na bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon na masayang naliligo ang apat na biktima sa Almacen River bandang alas-3 ng hapon nang mapadpad sa isang bahagi ng ilog na may 10-talampakan ang lalim.
Hindi na umano nagawang makalangoy at makaahon ng apat na biktima hanggang sa tuluyang malunod.
Nagawang marekober ang katawan ng mga bata ng mga sumaklolong residente subalit idineklara sila kapwa dead-on-arrival sa Dinalupihan District Hospital.
- Latest