Konsehal ng Lopez, Quezon kinasuhan sa Ombudsman
Sa kidnapping, rape sa 18-anyos
MANILA, Philippines — Isang konsehal sa Lopez, Quezon ang nahaharap sa patung-patong na kaso sa Office of the Ombudsman matapos ang ginawa umanong panggagahasa sa isang 18-anyos na dalaga.
Kinasuhan ng grave abuse of authority, grave misconduct, at dishonesty and oppression si Councilor Arkie Manuel Yulde ng Lopez, Quezon. Ang kasong ito ay iba pa sa kasong kidnapping at rape na isinampa sa San Pablo City RTC ng na biktima.
Sa reklamo ni alyas “Sharon”, itinuro nito si Yulde na kumidnap at gumahsa sa kanya noong April 6, 2019 nang alukin siya ng konsehal at kanyang katrabaho na ihahatid sa kani-kanilang mga bahay.
Nang maihatid ang katrabaho sa Pagbilao, hindi na hinatid ng konsehal ang dalaga kundi sapilitang dinala sa isang hotel sa San Pablo City, Laguna at doon ikinulong saka makailang ulit umanong ginahasa mula gabi ng Abril 6 hanggang umaga ng Abril 8.
Mula San Pablo City, inilipat pa ng konsehal ang kanyang sex slave sa isang budget hotel sa Pasig City at doon ipinagpatuloy ang paghalay sa kanya. Abril 11 ay dinala pa ang biktima sa isang hotel sa EDSA sa Quezon City at doon ay muling ikinulong at ilang beses pinagsamantalahan.
Abril 13 na nang naibalik umano ang biktima sa kanilang tahanan sa Mauban, Quezon kung saan binigyan ng konsehal ng pera ang lola ng dalaga para manahimik.
- Latest