^

Probinsiya

198 ektaryang palayan inatake ng insekto

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
198 ektaryang palayan inatake ng insekto
Sinabi ni Mindaflor Aquino, Science research specialist ng DA-Cagayan Valley, ti­namaan ng mapamin­salang brown planthopper (BPH) na mga insekto ang mga sakahan sa lalawigan ng Cagayan, Nueva Vizcaya at Isabela.
STAR/File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Na­babahala ngayon ang mga magsasaka sa tatlong lalawigan sa Cagayan Valley (Region-02) matapos na mag-umpisang sirain ng mga insekto ang nasa 198 ektarya ng palayan, ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA) kahapon.

Sinabi ni Mindaflor Aquino, Science research specialist ng DA-Cagayan Valley, ti­namaan ng mapamin­salang brown planthopper (BPH) na mga insekto ang mga sakahan sa lalawigan ng Cagayan, Nueva Vizcaya at Isabela.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng field demonstrations ang ahensya para sa gagawing hakbang ng mga magsasaka kabilang na ang paglalagay ng isang uri ng pamatay sa mga planthopper sa ilang sakahan sa lalawigan ng Isabela na inumpisahan sa Barangay San Miguel sa bayan ng Burgos. 

Pinag-aaralan na rin ng nasabing ahensya ang posibleng dahilan ng biglang pagdami ng mga nasabing insekto.

Ayon kay Jose San­sano, magsasaka sa Nueva Vizcaya, na ma­aaring ang isang dahilan ng pagdami ng mga mapaminsalang insekto ay dahil sa pagbabago ng panahon ngayong unang quarter ng taon, kabilang na rin ang paggamit ng mga nagsulputang mga pesticides o insecticides na pumapatay sa ibang mga “friendly” na insekto tulad na lamang ng mga gagamba na natural na dumadagit sa mga planthopper.

“May ASF sa pag-aalaga ng mga baboy, mura naman ang presyo­ ng mga gulay, ngayon ay may planthopper naman para sa mga tanim na palay, paano na lamang ang kabuhayan namin na mga magsasaka,” pahayag ni Sansano.

Bukod sa brown plan­thopper ay suliranin din ng mga magsasaka  ang banta ng mga armyworms o cutworms, mga daga, rice black bugs at iba pang pumi­pinsala sa mga saka­han.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with