Rep. Duterte namigay ng tulong sa mga mahihirap na estudyante
MANILA, Philippines — Mahigit isang libong college students na nagnanais makatapos ng kanilang pag-aaral ang nabigyan ng educational assistance ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte.
Ang educational assistance ay ipinamahagi ni Rep. Duterte sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development.
“It aims to help students whose parents are in the lower-income bracket and those who lost their jobs due to the Covid-19 pandemic,” ayon sa mambabatas.
Nasa 1,297 na estudyante sa iba’t ibang paaralan ang nakatanggap ng educational assistance ngayong school year sa ilalim ng educational program ni Rep. Duterte.
Sinabi ng mga benepisyaryo ng programa kabilang sina Jimboy Blanco at Cathely Berizo na hindi nila maipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral kung hindi dahil sa assistance na naipagkaloob sa kanila ni Duterte.
Samantala, sa ilalim ng college educational assistance, sinabi ng kongresista na mayroong 203 indibiduwal na ang naka-enroll sa Technical Education and Skills Development Authority.
- Latest